Bangkay ng bata, hubad na lumutang sa palaisdaan

NATAGPUANG wala ng buhay at walang saplot na palutang-lutang sa palaisdaan ang isang 4-anyos na babae sa Barangay Tapak, Paquibato, kamakalawa nang umaga sa Davao City.

bangkay ng bata hubad na lumutang sa palaisdaan - Bangkay ng bata, hubad na lumutang sa palaisdaan
abante crime1 - Bangkay ng bata, hubad na lumutang sa palaisdaan

NATAGPUANG wala ng buhay at walang saplot na palutang-lutang sa palaisdaan ang isang 4-anyos na babae sa Barangay Tapak, Paquibato, kamakalawa nang umaga sa Davao City.

Nakilala ang biktima na si Windy Man-ologan, daycare pupil at taga-Sitio Mangani, Brgy. Tapak, Paquibato.

Sa report ng Paquibato Police station, nagtungo sa pulisya ang magulang ng biktima at ini-report ang pagkawala ng anak.

alas-sais ng umaga ng Biyernes nang matagpuan ito ng kanilang kapitbahay na lumulutang sa palaisdaan.

Hinala ng mga awtoridad posibleng ginahasa ang biktima dahil sa mga nakitang sugat sa bibig at pamamaga ng ari nito.

Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Paquibato Police. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *