Bangengeng tanod kalaboso sa panunutok ng baril

Bagong laya niratrat paglabas ng police station

Abot hanggang langit ang pagsisisi ng isang barangay tanod matapos itong ipakulong ng binata na tinutukan niya ng baril sanhi ng sobrang kalasingan noong Linggo nang gabi sa Malabon City.

The post Bangengeng tanod kalaboso sa panunutok ng baril appeared first on Abante News Online.

bangengeng tanod kalaboso sa panunutok ng baril - Bangengeng tanod kalaboso sa panunutok ng baril
gun 2 - Bangengeng tanod kalaboso sa panunutok ng baril

Abot hanggang langit ang pagsisisi ng isang barangay tanod matapos itong ipakulong ng binata na tinutukan niya ng baril sanhi ng sobrang kalasingan noong Linggo nang gabi sa Malabon City.

Mga kasong Violation of R.A. 10591 (illegal possession of fire arm and ammunitions ) at treat ang isinampa kay Ronald Roxas, alyas ‘RR’, 34, naninira­han sa Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap ang isa nitong kasamahan na umano’y siyang sumaksak sa biktimang si Michael Paguia, 32, residente ng Block 4, Kadima, Barangay Tonsuya, Malabon City.

Kuwento ng binata, bandang alas-6:45 nang gabi, nakaupo siya sa kanyang motorsiklo sa gilid ng Kadima St. nang dumating sina Roxas kasama ang isa pang lalaki na lasing din.

“Tinanong ako nu’ng dalawa kung ano daw ang ginagawa ko, sabi ko may hinihintay lang,” ani Paguia.

Nagalit daw ang kasama ng barangay tanod at binunot ang dalang patalim saka inundayan ng saksak ang biktima, subalit nagawa nitong makailag.

Doon na umano bumunot ng baril si Roxas at itinutok kay Paguia kaya nagsawalang kibo na lang ito at tinanggap ang pagmumura ng una.

Umalis na ang mga suspek, kaya naman kaagad na nagtungo sa presinto ang binata at inireklamo ang mga suspek na mabilis na nasakote. (Orlan Linde)

The post Bangengeng tanod kalaboso sa panunutok ng baril appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *