Ban ng provincial bus sa EDSA binakbakan

BINATIKOS ni Albay Rep. Joey Salceda ang nakatakdang pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA.

The post Ban ng provincial bus sa EDSA binakbakan appeared first on Abante News Online.

ban ng provincial bus sa edsa binakbakan - Ban ng provincial bus sa EDSA binakbakan
bus ph - Ban ng provincial bus sa EDSA binakbakan

BINATIKOS ni Albay Rep. Joey Salceda ang nakatakdang pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA.

 Ngayong Abril dapat ipatutupad ang pag-ban ng mga provincial bus sa Edsa ngunit ipi­nagpaliban ito sa Hunyo.

Ang ban ay naisip na tugon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa luma­lalang suliranin sa trapiko sa Kamaynilaan at balak ilipat ang mga terminal ng bus patu­ngong Norte sa Valenzuela City, at sa Sta. Rosa Laguna naman ang terminal ng mga bus patungong Bikol at Kabisayaan.

 Ayon kay Salceda, malaking kasiraan sa ekonomiya, dagdag na gastos at pahirap ang idudulot nito sa mga probinsyanong pasahero.

Pinuna niya na may 2.8 milyong sasak­yan sa Kamaynilaan, samantalang 4,000 lamang ang bilang ng mga ‘provincial bu­ses’ – 2,500 mula norte at 1,500 patungong Katimugan.

“Wala talaga itong katuturan at anti-probinsyano. Saan ba kayo nakakita ng provincial bus stations na 39 kilometro ang layo sa destino ng mga pasahero?” giit niya.

Tiyak na parusa ang ban sa mahihirap na pasaherong probinsyano na kaya nagba-bus lamang dahil hindi nila kaya ang mahal na ba­yad sa eroplano.

The post Ban ng provincial bus sa EDSA binakbakan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *