Ban ng promdi bus sa EDSA hinarang sa SC

NAGHAIN ng petisyon sa Supreme Court (SC) si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., para ipatigil ang pagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makabiyahe sa EDSA ang mga provincial bus.

The post Ban ng promdi bus sa EDSA hinarang sa SC appeared first on Abante News Online.

ban ng promdi bus sa edsa hinarang sa sc - Ban ng promdi bus sa EDSA hinarang sa SC
bus ph - Ban ng promdi bus sa EDSA hinarang sa SC

NAGHAIN ng petisyon sa Supreme Court (SC) si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., para ipatigil ang pagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makabiyahe sa EDSA ang mga provincial bus.

Ayon kay Garbin, nagpasya sila na maghain ng “Petition for Certiorari, Prohibition and Mandamus with application for Writ of Preliminary Injunction/Temporary Restraining Order” upang kuwestyunin ang ligalidad ng provincial bus ban na sa paniniwala ng MMDA ay makakatulong para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Edsa.

Nilinaw ni Garbin na ang nasabing polisiya na ipinatutupad ng MMDA ay hindi dumaan sa public consultation.

Kaya paglabag diumano ito sa “due process” o ang karapatan ng publiko na malaman at mapakinggan ang kanilang panig sa isyu.

Sa katunayan batay sa solon, lumilitaw sa datos umano ng MMDA na noong 2017 ay umaabot sa 3,300 ang bilang ng mga registered buses galing ng probinsya na dumadaan sa EDSA na mas kokonti kumpara sa mahigit 12,000 city buses na nagtambakan sa pangunahing highway ng Metro Manila.

Hindi pa umano kasama rito ang mahigit 200,000 pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA araw-araw.

Kapag hindi umano naawat ang naturang polisiya ay magdudulot ito ng dagdag na pahirap at gastusin sa mga mananakay bukod pa sa lalo lang hahaba ang biyahe ng mga ito. (Aries Cano)

The post Ban ng promdi bus sa EDSA hinarang sa SC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *