Bam suportado ng mga manggagawa

SUPORTADO ng iba’t ibang labor organizations ang muling kandidatura ni Senador Bam Aquino na itinuturing nilang kakampi at tagapagtanggol ng kapakanan ng mga manggagawa sa Senado.

The post Bam suportado ng mga manggagawa appeared first on Abante News Online.

bam suportado ng mga manggagawa - Bam suportado ng mga manggagawa
ABANTE bam - Bam suportado ng mga manggagawa

By Dang Samson-Garcia

SUPORTADO ng iba’t ibang labor organizations ang muling kandidatura ni Senador Bam Aquino na itinuturing nilang kakampi at tagapagtanggol ng kapakanan ng mga manggagawa sa Senado.

Kabilang sa mga sumuporta kay Aquino ang Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Anakpawis at Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Emplo­yees (COURAGE) na kumakatawan sa mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor.

Ayon kay SENTRO secretary general Josua Mata, maituturing si Aquino bilang reliable partner sa pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa at labor issues.

“Noon pa man, tumutulong na si Sen. Bam sa mga isyung may kinalaman sa ating mga manggagawa at sa sektor ng transportasyon,” saad ni Mata.

Bago sa paghahain ng Senate Bill No. 174 o Security of Tenure Bill, nakikipagtulu­ngan si Aquino sa SENTRO sa pagba­langkas ng panukala na naglalayong tuldukan ang kontraktwa­lisasyon sa bansa.

Isusulong ni Aquino ang Security of Tenure bill at iba pang labor-related measures.

The post Bam suportado ng mga manggagawa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *