Bam pasok sa Top 12 ng SWS

BILANG tanging oposisyon sa top 12 ng bagong Social Weather Stations (SWS) survey, sinabi ni re-electionist Sen. Bam Aquino na bunga ito ng pagsisikap at sipag ng kanyang mga tagasuporta at volunteers.

The post Bam pasok sa Top 12 ng SWS appeared first on Abante News Online.

bam pasok sa top 12 ng sws - Bam pasok sa Top 12 ng SWS
bam 17 - Bam pasok sa Top 12 ng SWS

BILANG tanging oposisyon sa top 12 ng bagong Social Weather Stations (SWS) survey, sinabi ni re-electionist Sen. Bam Aquino na bunga ito ng pagsisikap at sipag ng kanyang mga tagasuporta at volunteers.

Sa survey na naka-post sa social media account ni Kris Aquino, pang-11 si Sen. Bam na mayroong 31 porsiyento sa huling pre-election survey na ginawa ng SWS mula Abril 28 hanggang Mayo 3 na mayroong 2,400 respondent.

Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Bam na ito’y dahil sa patuloy na buhos ng suporta ng taumbayan at walang pagod na pangangampanya ng kanyang mga tagasuporta at volunteers.

“Iyong una, sipag at tiyaga. Talagang sinuyod namin ‘yung buong Pilipinas at patuloy naming iniikot ‘yung buong Pilipinas kahit hanggang sa Sabado mag-iikot pa rin kami,” wika ni Sen. Bam.

“Siyempre, iyong volunteers natin talagang grabe ‘yung kanilang pagpupursigi na suportahan tayo at ‘yung mga kasama natin sa Otso Diretso.

Iyong volunteers, we owe it to them, itong pagtaas natin,” dagdag ni Sen. Bam.

Maliban sa SWS poll, nakapasok din si Sen. Bam sa top 12 ng iba pang major survey.

Sa bagong Pulse Asia survey na ginawa mula April 10 hanggang 14, si Sen. Bam ay nasa ika-10 hanggang ika-14 na puwesto. Bahagyang gumanda ang posisyon ni Sen. Bam, na nasa pang-11 hanggang labing-anim na puwesto sa survey ng Pulse Asia noong nakaraang buwan.

Tabla naman si Sen. Bam sa pang-lima hanggang 11 puwesto sa #PAHAYAGNationwide poll ng Publicus Asia na ginawa mula Abril 21-22, 2019 na sinalihan ng 2,000 registered voter.

The post Bam pasok sa Top 12 ng SWS appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *