Bam manok ng El Shaddai sa Senado

NAGPASALAMAT si Senador Bam Aquino kay El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa pag-endorso sa kanya bilang isa sa mga kandidatong senador ng Catholic charismatic group noong Sabado.

The post Bam manok ng El Shaddai sa Senado appeared first on Abante News Online.

bam manok ng el shaddai sa senado - Bam manok ng El Shaddai sa Senado
bam 16 - Bam manok ng El Shaddai sa Senado

NAGPASALAMAT si Senador Bam Aquino kay El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa pag-endorso sa kanya bilang isa sa mga kandidatong senador ng Catholic charismatic group noong Sabado.

“Gusto ko pong magpasalamat kay Bro. Mike Velarde at sa lahat ng pinuno at mi­yembro ng El Shaddai,” saad ni Aquino.

Hinikayat din ni Aquino ang mga mi­yembro ng El Shaddai na iboto ang mga kandidatong may pagmamahal sa Diyos at magsisilbi sa taumbayan.

“Tayong mga Kristiyano, tayong mga kamay ni Hesus, tayo rin ang magbubuo ng lipunang inaasam-asam natin para sa ating pa­milya. Tayo po ang magbubuo ng lipunang may pagmamahal, may pagmamalasakit, may pagkalinga sa mahihirap,” dagdag ng senador.

“Ngayong Mayo, sana iboto natin mga taong totoong magtatrabaho sa inyo, magtatrabaho para sa inyong pamilya, mga taong magkakalinga sa ating lahat, mga taong naniniwala sa ating minamahal na Diyos,” diin pa ng mambabatas.

Sinabi pa ng senador na napakalaking tulong ng endorsement ng El Shaddai sa kanyang hangaring makakuha ng pangalawang termino.

Bago rito, nagdeklara rin ng suporta kay Sen. Bam ang Church People for an Independent Senate (CPIS), na binubuo ng 150 obispo, pari at iba pang opisyal ng Aglipayan Church o mas kilala bilang Iglesia Filipina Independiente. (Dang Samson-Garcia)

The post Bam manok ng El Shaddai sa Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *