Balik-taya na! Lotto binuksan ni Duterte

MAAARI na muling umarangkada ang operasyon ng lotto sa buong bansa matapos alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension na ipinataw noong Sabado.

balik taya na lotto binuksan ni duterte - Balik-taya na! Lotto binuksan ni Duterte
Abante 2019 Lotto - Balik-taya na! Lotto binuksan ni Duterte

MAAARI na muling umarangkada ang operasyon ng lotto sa buong bansa matapos alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension na ipinataw noong Sabado.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Medialdea na inabisuhan na siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na inalis na ni Pangulong Duterte ang suspension order sa lotto.

Gayunman, hindi kasama sa inalis ang suspension ang mga larong small time lottery (STL), Keno at peryahan ng bayan.

Sinabi ni Panelo na mananatili ang suspension order laban sa mga nabanggit na laro hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon laban sa mga nagsabwatan sa katiwalian.

“As per the advise of Executive Secretary Salvador C. Medialdea, the suspension of lotto operations has been ordered lifted by the President,” ani Panelo.

Dahil dito sinabi ng kalihim na maaari nang ituloy ng mga franchise holder at operator ng lotto outlet ang kanilang operasyon.

Nagpasalamat naman si PCSO General Mana­ger Royina Garma kay Pangulong Duterte sa mu­ling pagbubukas ng tayaan sa lotto.

Pagtiyak ni Garma, walang dapat na alalahanin o ipagduda ang publiko sa operasyon ng lotto dahil kanilang ginagarantiya na transparent, walang daya at walang iregularidad sa operasyon nito.

Una nang sinabi ng PCSO na automated ang ope­rasyon ng lotto kaya tama at hindi rin nadadaya ang remittance ng mga operator nito sa PCSO.

Siyam na lotto games ang muling bubuksan ng PCSO sa publiko kabilang ang Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45. Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, Ultra Lotto 6/58, 6 Digit, 4 Digit, Suertres Lotto at EZ 2.

Sa tatlong araw na pagtigil ng operasyon ng Lotto ay nasa P250 milyon umano ang nawalang kita sa ahensya.

Kahapon ay sinimulan na rin ng PCSO na i-draw ang mga hindi pa natapos na bola ng lotto.

“Idodo-draw natin ngayong araw ang mga lotto games na nakaiskedyul noong July 27 hanggang 30, 2019, mula 11:00am, 4:00pm at 9:00pm draw,” pahayag ni Garma.

Mayroong mga naiwan na draw ang PCSO dahil na rin sa anim na araw ang kanilang advance sel­ling sa mga lotto ticket.

Aminado naman ang PCSO na inaasahan nila na magbabago ang tingin ng publiko sa lotto matapos ang naging anunsyo ng korupsyon ng Pangulo gayunpaman kanila ding inaasahan na babalik ang tiwala ng publiko at maeenganyo muling bumili ng ticket bilang charity.

Inamin din ni Garma sa isang press conference na ginanap sa PCSO conservatory office na base sa intelligence information ang kanyang isinumbong kay Pangulong Duterte na naging naging basehan ng desisyon nito na suspendihin ang mga laro ng PCSO.

Kinumpirma ni Garma ang nauna nang rebelasyon ni Sen. Bong Go na matapos mag-usap ng dalawa ay saka nabuo ang desisyon na ipahinto ang mga PCSO games.

Sinabi ni Garma na mayroong mga intelligence document ukol sa korupsyon sa PCSO na kanyang ipinaalam kay Pangulong Duterte subalit wala pang mga matitibay na ebidensya kaya naman ito ang siyang target ng gagawing imbestigasyon. (Aileen Taliping/Tina Mendoza/Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *