Balik-eskuwela: 80 pasaway nahuli ng PNP, MMDA

UMABOT sa 80 motorista na pawang nag-illegal parking, overloading at iba pang paglabag sa batas trapiko ang hinuli nang pinagsanib na puwersa ng Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA) at National Capital Regional­ Police Office (NCRPO) upang proteksiyunan ang mga estudyante kontra aksi­dente sa unang­ araw nang pagbubukas ng klase sa ilang lugar sa Metro Manila kahapon.

The post Balik-eskuwela: 80 pasaway nahuli ng PNP, MMDA appeared first on Abante News Online.

balik eskuwela 80 pasaway nahuli ng pnp mmda - Balik-eskuwela: 80 pasaway nahuli ng PNP, MMDA
pmpn - Balik-eskuwela: 80 pasaway nahuli ng PNP, MMDA

UMABOT sa 80 motorista na pawang nag-illegal parking, overloading at iba pang paglabag sa batas trapiko ang hinuli nang pinagsanib na puwersa ng Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA) at National Capital Regional­ Police Office (NCRPO) upang proteksiyunan ang mga estudyante kontra aksi­dente sa unang­ araw nang pagbubukas ng klase sa ilang lugar sa Metro Manila kahapon.

Bago mag-alas-sais nang umaga ay pinamunuan ni MMDA Chairman Danny Lim ang operasyon kontra sa mga motoristang luma­labag sa batas trapiko sa area ng Batasan sa Quezon City.

Nabatid, na nasa 33 motorista ang hinuli dahil sa paglabag sa illegal parking; 21 walang helmet, 3 ang disregarding traffic sign at 3 sasakyan ang hinatak.

Umayuda rin si NCRPO Director Gene­ral Guillermo Eleazar sa MMDA para sa ope­rasyon kontra sa mga pasaway na motorista, kung saan nasa 10 tricycle driver ang nahuli ng kanyang mga tauhan dahil sa overloading.

Sinabi ni Eleazar, sa pamamagitan aniya nang pinatutupad nilang police visibility, mami-minimize ang paglabag sa batas trapiko malapit sa mga paaralan.

Bukod dito, tiniyak din ng naturang NCRPO director, na gagawin nilang maging ‘bully-free’ ang mga paaralan sa Metro Manila. (Armida Rico)

The post Balik-eskuwela: 80 pasaway nahuli ng PNP, MMDA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *