Bakuna kontra COVID sa black market delikado

Winarningan ng Malacañang at Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa iniaalok na COVID vaccine sa black market.

The post Bakuna kontra COVID sa black market delikado first appeared on Abante.

bakuna kontra covid sa black market delikado - Bakuna kontra COVID sa black market delikado
abante bakuna 1 - Bakuna kontra COVID sa black market delikado

Winarningan ng Malacañang at Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa iniaalok na COVID vaccine sa black market.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng peke ang COVID vaccine na nasa black market dahil wala pang inaaprubahan ang gobyerno na bakuna kontra COVID-19.

“Kapag binili po iyan sa black market, hindi nyo alam kung peke iyan, baka tubig lang yan. Magbabayad pa kayo ng napakamahal para sa tubig na ituturok sa inyo,” ani Roque.

Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na wala pang pinapayagang COVID vaccine sa Pilipinas at kapag may nag-aalok ay posibleng magdulot pa ito ng panganib sa mga tao.

Kapag aniya pag may nagbebenta nito ay huwag paniwalaan dahil malamang illlegal itong nakapasok sa bansa at hindi dumaan sa pagsusuri ng mga eksperto.

“Hindi natin alam kung paano na-handle and it might not be safe for you to have yourself injected. Huwag po, hindi pa po talaga, wala pa pong bakuna sa atin,” ani Domingo.

Inamin ng opisyal na nakailang raid na sila sa mga clinic na sinasabing nagbebenta ng COVID vaccine pero wala silang nahuhuli.(Aileen Taliping)

The post Bakuna kontra COVID sa black market delikado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *