Bakit umaalis ang isang manggagawang Pinoy sa kanyang trabaho?

Ni: Mina Aquino Karaniwang inilalapit na reklamo/problema ng manggagawa Dahil na rin sa mga reklamo o mga kinakailangang impormasyon hinggil sa paggawa, nagtatag ang DOLE ng 24/7 call center upang matugunan ang mga concern ng mga manggagawa. Ang pinakamataas na mga reklamo at tanong ay patungkol sa suweldo, employment, SSS benefits na nasa ilalim ng […]

The post Bakit umaalis ang isang manggagawang Pinoy sa kanyang trabaho? appeared first on Abante News Online.

bakit umaalis ang isang manggagawang pinoy sa kanyang trabaho - Bakit umaalis ang isang manggagawang Pinoy sa kanyang trabaho?
piny - Bakit umaalis ang isang manggagawang Pinoy sa kanyang trabaho?

Ni: Mina Aquino

Karaniwang inilalapit na reklamo/problema ng manggagawa
Dahil na rin sa mga reklamo o mga kinakailangang impormasyon hinggil sa paggawa, nagtatag ang DOLE ng 24/7 call center upang matugunan ang mga concern ng mga manggagawa.

Ang pinakamataas na mga reklamo at tanong ay patungkol sa suweldo, employment, SSS benefits na nasa ilalim ng klasipikasyon ng labor standard.
Pumapangalawa sa listahan ng kanilang natatanggap ay ang problema sa relationship ng management at employer na nasa ilalim ng klasipikasyon ng labor relations.

“Normally ang mga dumarating sa call center ay usually sinasagot na agad kung kayang sagutin o pagka gusto nilang patignan ay papa-inspection namin kung saang region na nakakasakop. Kung susunod naman ito voluntarily dahil binibigyan naman ang kompanya ng 10-araw to comply pero kung hindi ay isusubmit na nila ang report dahil violation na yun.”

Labor Department gumigitna din sa mga sigalot ng manggagawa at employer
Marami-rami na rin ang naresolba at natulungang pamilya na mga nabiktima ng mga trahedya na tinutukan ng DOLE na ilalim ng safety and health, tulad na lamang sa nangyaring insidente sa Guiguinto, Bulacan nang tumagilid ang itinatayong wall ng isang bodega na naipit at ikinamatay ng 12 manggagawa, ang Kentex tragedy sa Valenzuela at iba pang mga malalagim na insidente dahil na rin sa ilang mga paglabag o mga kakulangan sa pang-kaligtasan.

Bagong batas ng SSS para sa miyembro na nawalan ng trabaho
Ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na hindi sinasadyang mawalan ng trabaho ay makakatikim ng karagdagang benepisyo.

Ang unemployment benefit ay alinsunod sa bagong batas sa ilalim ng Republic Act 11199 (Social Security Act of 2019) na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Ang naturang batas ay ini-akda ni Senator Richard Gordon at binibigyan diin na ang isang miyembro ng SSS na mawawalan ng trabaho ay maaring mag-aplay para sa unemployment assistance sa ilalim ng naturang batas.

Una nang inihayag ng senador na magsisimula ito sa loob ng dalawang buwan, hindi bababa sa P10,000 sa isang buwan kung ikaw ay naghuhulog ng kontribusyon sa ilalim ng maximum salary credit, sa loob ng dalawang buwan, habang naghahanap ng trabaho.

Sa ilalim ng Seksyon 14-B ng RA 11199, ang isang miyembro na nawalan ng trabaho ay maaaring mag-claim ng benepisyo sa pagkawala ng trabaho na katumbas ng 50 porsiyento ng kanyang average na buwanang suweldo na credit para sa maximum na dalawang buwan.

Ang miyembro ay hindi dapat higit 60 taong gulang at nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 buwan na kontribusyon, labindalawang buwan na dapat ay nasa loob ng 18-buwang tagal ng panahon bago ang involuntary unemployment o separation. Ang isang miyembro ay maaari lamang mag-claim ng mga benepisyo sa pagkawala ng trabaho minsan sa bawat tatlong taon.

Ang naturang benepisyo ay naglalayong makatulong sa gastusin sa paghahanap ng panibagong trabaho dahil maari kang makakuha sa loob ng dalawang buwan.
Nilinaw din na hindi ito pautang kundi bahagi lamang ito ng SSS benefits na makakatulong upang mapakinabangan ng mga miyembro tulad ng pagkakasakit at panganganak.

The post Bakit umaalis ang isang manggagawang Pinoy sa kanyang trabaho? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *