Bakanteng ospital sa may COVID sapat – Roque

Umaasa ang Malacañang na ligtas na ipagdiriwang ng mga Pilipino ang Pasko at Bagong Taon.

The post Bakanteng ospital sa may COVID sapat – Roque first appeared on Abante.

bakanteng ospital sa may covid sapat roque - Bakanteng ospital sa may COVID sapat – Roque
Harry Roque 2 - Bakanteng ospital sa may COVID sapat – Roque

Umaasa ang Malacañang na ligtas na ipagdiriwang ng mga Pilipino ang Pasko at Bagong Taon.

Kasunod ito ng pangamba ng grupo ng private hospitals sa bansa sa posibilidad na paglobo ng COVID cases pagkatapos ng holiday season na maaaring magresulta sa hospital health care crisis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang nakikitang indikasyon sa ngayon na magkakaroon ng spike sa kaso ng COVID-19 dahil maraming bakanteng hospital beds na nanakalaan sa COVID patients.

“Right now, we do not see the crisis because lahat po ng ating critical care capacity is not even in an alarming stage,” ani Roque.

Sa halip aniya na hintaying umakyat ang COVID cases, sinabi ng kalihim na maaaring maiwasan ang posible kontaminasyon sa mabagsik na virus kung mag-iingat ang publiko at sinusunod ang ipinaiiral na basic health protocols sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Huwag nating hangarin na tayo ay mangailangan ng espasyo dahil ang gusto natin ay Merry Christmas and a Happy New Year, and not stay in the hospital,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

The post Bakanteng ospital sa may COVID sapat – Roque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *