Bakal sa Skyway bumagsak, ilang sasakyan wasak

Tinatayang apat katao na ang sinugod sa ospital dahil sa pagbagsak ng metal frame sa ginagawang Skyway East Service Road, Muntinlupa City nitong Sabado ng umaga.

The post Bakal sa Skyway bumagsak, ilang sasakyan wasak first appeared on Abante.

bakal sa skyway bumagsak ilang sasakyan wasak - Bakal sa Skyway bumagsak, ilang sasakyan wasak
Muntinlupa - Bakal sa Skyway bumagsak, ilang sasakyan wasak

Tinatayang apat katao na ang sinugod sa ospital dahil sa pagbagsak ng metal frame sa ginagawang Skyway East Service Road, Muntinlupa City nitong Sabado ng umaga.

“Aksidente po ang pagkakabagsak so under investigation po lahat,” ayon kay Tess Navarro mula sa Muntinlupa City Public Information Office (PIO) sa panayam sa DZBB.

Kinumpirma ni Navarro na aabot sa tatlong sasakyan at ilang motorsiklo ang nabagsakan ng metal frame at ilang debris.

Aniya pa, hindi residential area ang naturang lugar at walang kabahayan sa pinangyarihan ng insidente.

Ngunit pinapangambahan na posibleng may nadamay na mga bystander sa nasabing kalsada sa East Service Road.

Dahil din sa nasabing aksidente, hindi muna madadaanan ang East Service Road, northbound at southbound na nagbunga sa matinding traffic sa area.

Inaasahan naman ni Muntinlupa Traffic Management Bureau chief Danidon Nolasco na matatagalan pa bago madaanan ang nasabing kalsada dahil kailangan ng mga heavy equipment para matanggal ang bumagsak na bakal. (RP)

The post Bakal sa Skyway bumagsak, ilang sasakyan wasak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *