Baka scam! Panelo ayaw ipaalam sa media ang pag-commute

Nang tanungin ng midya kung magko-commute si Presidential Spokesperson Salvador Panelo habang rush hour, sumagot ito ng “Basta, secret.”

baka scam panelo ayaw ipaalam sa media ang pag commute - Baka scam! Panelo ayaw ipaalam sa media ang pag-commute
commuters 1 1 - Baka scam! Panelo ayaw ipaalam sa media ang pag-commute

Nang tanungin ng midya kung magko-commute si Presidential Spokesperson Salvador Panelo habang rush hour, sumagot ito ng “Basta, secret.”

Wala rin umanong sekyu na haharang sa kanyang biyahe, ngunit hindi aniya niya sasabihan ang midya kung saan at anong oras ito magko-commute, ayon sa ulat ng Rappler.

Giniit din ni Panelo na titiyakin nitong walang media coverage ang pag-commute niya umano bukas, Oktubre 11, 2019, bilang pagkasa sa hamon ng ilang militanteng grupo.

Hindi kasi naniniwala ang opisyal na may “mass transport crisis” sa Kamaynilaan, kahit pa maya’t maya ang pagtirik ng LRT at MRT, at ang matinding traffic na sa EDSA lang noon nakasentro ay umaabot na hanggang South Luzon Expressway.

Sunud-sunod din ang pagkasira ng LRT-1. LRT-2, at MRT-3 noong nakaraang linggo.

Dahil sa pahayag ni Panelo, nagduda ang mga netizen kung totoong gagawin niya ang hamon.

“So how then can it be verified that you in fact did commute? Maglalabas ng mga “witnesses?” Or baka naman magtataxi ka papunta sa Malacañang mula sa pinakamalapit na kanto? I smell a set up,” usisa ni @jeme872.

“Dat dapat may makakita talaga sa kanya baka scam lang,” ani @jamielouisejmn.

“No Media para Less ang makakita na may taga Hawi syang Bodyguards.. Ulul,” sey ni @Powerpuffkorn.

“no video or picture? then it didn’t happen,” saad ni @akosi_juanwick.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *