Baka ma-expire na naman: DOH may P19B budget sa gamot

Naalarma si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa plano ng Department of Health (DOH) na bumili ng P19 bilyong halaga ng gamot sa 2020 bunsod ng natuklasan ng Commission on Audit (COA) na tinatayang P367 milyong halaga ng gamot ang inimbak lamang at naabutan ng expiration.

baka ma expire na naman doh may p19b budget sa gamot - Baka ma-expire na naman: DOH may P19B budget sa gamot
doh - Baka ma-expire na naman: DOH may P19B budget sa gamot

Naalarma si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa plano ng Department of Health (DOH) na bumili ng P19 bilyong halaga ng gamot sa 2020 bunsod ng natuklasan ng Commission on Audit (COA) na tinatayang P367 milyong halaga ng gamot ang inimbak lamang at naabutan ng expiration.

“The amount is P3.7 billion or 24% higher than the department’s P15.4 billion allocations this year for the same purpose,” ani ni Defensor.

Binanggit ng kongresista na hindi niya sisitahin ang malaking pondo ng DOH sa pagbili ng gamot kung lahat ng ito’y pakikinabangan ng mamamayan.

Noong 2018, nakatanggap ang DOH ng P15.6 bilyong pondo para sa pagbili ng gamot at medisina, kabilang na rito ang medical at dental supplies.

Ngunit sa 2018 audit report ng COA, umaabot na sa P18 bilyong halaga ng gamot at medisina na binili mula 2015 hanggang 2018 ang nakatengga lamang at hindi pa naipapamahagi sa mga health care facilities. Kasama na rito ang P367 milyong halaga ng gamot na inabutan ng expiration o kaya’y malapit nang ma-expire.

Inirekomenda ni Defensor sa DOH na kunin ang serbisyo ng private logistic para sa warehousing at distribusyon ng mga supply ng gamot upang sa gayon ay hindi ito masayang.

“If the department can afford to spend billions of pesos every year to buy new drugs and medicines, surely it can also afford to pay for private contractors to get the supplies moving fast,” giit ng kongresista. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *