Bahagi ng Makati City Science High School nasunog

SUMIKLAB ang sunog sa bahagi ng Makati City Science High School dakong alas-11:00 Linggo nang gabi na ikinapinsala ng tinatayang P20,000 halaga ng kaga­mitan sa loob nito.

The post Bahagi ng Makati City Science High School nasunog appeared first on Abante News Online.

bahagi ng makati city science high school nasunog - Bahagi ng Makati City Science High School nasunog
makati 1 - Bahagi ng Makati City Science High School nasunog

SUMIKLAB ang sunog sa bahagi ng Makati City Science High School dakong alas-11:00 Linggo nang gabi na ikinapinsala ng tinatayang P20,000 halaga ng kaga­mitan sa loob nito.

Batay sa ulat mula kay Makati City Fire Marshal Fire Supt. Roy Quisto, sa Room 611 sa ikaanim na palapag ng gusali nagsimula ang apoy.

Nakatanggap umano ng tawag ang kanilang ahensya dakong alas-11:19, agad na itinaas sa unang alarma ang sunog at alas-11:52 nang gabi nang ideklara itong fire out.

Dahil umano sa mayroong firewall at maganda ang kalidad ng pagkakagawa sa bawat silid ng eskuwelahan ay hindi na ku­malat ang sunog.

Wala namang nasugatan sa insidente at inaalam na ang pinagmulan ng apoy.

The post Bahagi ng Makati City Science High School nasunog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *