Bagyong Ulysses nagbabadya sa Bicol

Gumagalaw ang bagyong Ulyses patungo sa rehiyon ng Bicol matapos lumabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Tonyo.

The post Bagyong Ulysses nagbabadya sa Bicol first appeared on Abante.

bagyong ulysses nagbabadya sa bicol - Bagyong Ulysses nagbabadya sa Bicol
abante Bagyong Ulysses - Bagyong Ulysses nagbabadya sa Bicol

Gumagalaw ang bagyong Ulyses patungo sa rehiyon ng Bicol matapos lumabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Tonyo.

Ayon sa weather bulletin ng Pagasa, si ‘Ulysses’ ay huling namataan sa layong 800 kilometers east ng Hinatuan, Surigao alas-10 ng gabi noong Linggo at nag-iipon ng lakas ng hangin na abot sa 45 kilometers per hour sa mata ng bagyo hanggang 55 kph.

Saad din sa forecast ng weather bureau na tutumbukin ng bagyo ang Bicol region inaasahang mag-landfall sa sa Miyerkoles.

Sa kasalukuyan wala pang direktang epekto si Ulyses sa bansa subalit posibleng magdala ito ng hangin at pag-ulan sa bahagi ng eastern Visayas at Bicol region na mararanasan ngayon Martes o Miyerkoles.

Bicol din ang hinagupit ng supertyphoon Rolly lampas isang linggo pa lang ang nakararaan kung saan nag-iwan ito ng lampas 20 na nasawi sa rehiyon. (Riz Dominguez)

The post Bagyong Ulysses nagbabadya sa Bicol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *