Bagyong Onyok papasok sa PAR

SA loob ng 24 oras ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at magiging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng bansa at tatawagin itong bagyong Onyok.

bagyong onyok papasok sa par - Bagyong Onyok papasok sa PAR
bagyon onyok - Bagyong Onyok papasok sa PAR

SA loob ng 24 oras ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at magiging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng bansa at tatawagin itong bagyong Onyok.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyong Onyok ang ikalimang bagyo na papasok sa bansa ngayong buwan ng Setyembre.

Huling namataan ang LPA na nasa 1,410 kilometro ang layo mula sa Visayas, kumikilos ito sa bilis na 30 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hangin na 45kph at bugso 55 kph.

Kung hindi magbabago ang kilos ng bagyo ay hindi ito inaasahang magla-landfall.

(Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *