Bagyong Jenny lumakas, Aurora tutumbukin

Bagyong Jenny lumakas, Aurora tutumbukin

Itinaas ang signal No. 2 sa lalawigan ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province at Aurora makaraang lumakas pa ang bagyong Jenny, ayon sa Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa).

bagyong jenny lumakas aurora tutumbukin - Bagyong Jenny lumakas, Aurora tutumbukin
jenny - Bagyong Jenny lumakas, Aurora tutumbukin

Itinaas ang signal No. 2 sa lalawigan ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province at Aurora makaraang lumakas pa ang bagyong Jenny, ayon sa Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa).

Dagdag pa ng Pagasa, inaa­sahan na magla-landfall sa Aurora ang bagyo, sa pagitan ng alas-nuwebe, Martes nang gabi, at ala-una ng Miyerkoles nang madaling-araw.

Nasa ilalim naman ng signal No. 1 ang Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, hilagang parte ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.

Makararanas din ng pag-ulan ang Central at Western Visayas, gayundin ang ilang bahagi ng Mindanao.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Jenny sa 290 km ng sila­ngan ng Infanta, Quezon. Kumikilos ito sa bilis na 35 kilometro kada oras taglay ang hangin na 65kph at bugso na 80kph.

Nagbabala ang Pagasa sa mga residente ng mga apektadong lugar na maging alerto lalo na ang mga nakararanas ng pagbaha o landslide.

Pinapayuhan pa ang lahat na makipagtulugan sa lokal na disaster risk reduction and management office at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon. (Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *