Bagyong Hagibis nagbabadya

WALANG anumang sama ng panahon sa loob ng bansa subalit mayroong binabantayang isang bagyo na may international name na Hagibis na inaasahang papasok ng bansa sa araw ng Huwebes o Biyernes.

bagyong hagibis nagbabadya - Bagyong Hagibis nagbabadya
hagibis - Bagyong Hagibis nagbabadya

WALANG anumang sama ng panahon sa loob ng bansa subalit mayroong binabantayang isang bagyo na may international name na Hagibis na inaasahang papasok ng bansa sa araw ng Huwebes o Biyernes.

Sa oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay tatawagin itong bagyong Perla.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) taglay ng bagyong Hagibis ang lakas ng hanging aabot sa 120 kph at bugso na 150kph.

May kalakasan umano ang bagyo subalit inaasahang dadaan lamang ito ng PAR at hindi magla-landfall.

Sinabi ni Pagsa weather specialist Lorie Dela Cruz na walang anumang epekto ang nasabing bagyo sa alinmang bahagi ng bansa, ang nararanasang pag-uulan ay dala ng loca­lized thunderstorm.

Asahan ang maaliwalas na panahon sa Luzon kabilang ang Metro Manila, at wala ding nakataas na gale warning kaya ligtas ang maglayag. (Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *