Bagyo sa Japan: 2 patay, 100 sugatan

Nag-iwan ng dalawang kataong patay, apat na nawawala at mahigit 100 sugatan ang malakas na bagyo sa Kyushu, Japan.

The post Bagyo sa Japan: 2 patay, 100 sugatan first appeared on Abante.

bagyo sa japan 2 patay 100 sugatan - Bagyo sa Japan: 2 patay, 100 sugatan
abante japan 1 - Bagyo sa Japan: 2 patay, 100 sugatan

Nag-iwan ng dalawang kataong patay, apat na nawawala at mahigit 100 sugatan ang malakas na bagyo sa Kyushu, Japan.

Nagdulot ito ng malawakang brownout at pagkaparalisa ng transportasyon at ilang mobile network, ayon sa ulat ng Kyodo News.

Isang babae na edad 70s sa Kagoshima Prefecture ang pumanaw sa ospital matapos mahulog sa kanal noong Linggo; isang lalaki naman sa Saga Prefecture ang namatay nang malaglag habang inaayos ang bintana sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Naitala ang mga sugatan mula sa Kyushu, Kinki at Chugoku regions sa western Japan.

Nasa 475,000 kabahayan naman ang nawalan ng kuryente sa Kyushu.

Kabilang sa nawawala ang isang mag-ina at dalawang lalaking Vietnamese intern matapos magkaroon ng mudslide sa isang construction firm office.

The post Bagyo sa Japan: 2 patay, 100 sugatan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *