Baguio, Davao COVID hotspot; 9 pa nasa high risk

Kinlasipika ng OCTA Research group ang siyam na local government units (LGUs) sa bansa na high risk sa coronavirus disease 2019.

The post Baguio, Davao COVID hotspot; 9 pa nasa high risk first appeared on Abante.

baguio davao covid hotspot 9 pa nasa high risk - Baguio, Davao COVID hotspot; 9 pa nasa high risk
covid 19 - Baguio, Davao COVID hotspot; 9 pa nasa high risk

Kinlasipika ng OCTA Research group ang siyam na local government units (LGUs) sa bansa na high risk sa coronavirus disease 2019.

Habang ang Baguio City at Davao City ay tinaguriang “hotspots of serious concern” ng research group.

Kabilang naman sa naklasipika bilang high risk sa COVID 19 ang Makati sa Metro Manila.

Sa mga Luzon naman ay ang sumusunod: Baguio City, La Trinidad,Itogon, Batangas City, Lucena, Lopez habang sa Mindanao ay Davao City, Davao del Sur

Pagadian at Zamboanga del Sur. Wala naman iniulat a na high risk sa Visayas.

Ayon sa OCTA,ibinase nila ito sa mataas na kaso kada araw, mataas na positivity rate, high attack rate at mataas na hospital occupancy.

“We are concerned that these LGUs may experience high hospital burden in the coming weeks that may stress their health care systems and overwhelm their medical front-liners,” ayon sa OCTA.

Ikinukunsidera naman ng OCTA ang Baguio City at Davao City na “LGUs hotspots of serious concern” dahil sa pagtaas ng COVID19 kaya dapat paigtingin ang testing, contact tracing, atisolation para bumaba ang virus sa komunidad.

Habang inirekomenda naman sa mga high risk LGUs ang pagpapatupad ng agresibong local lockdown para mapigilan ang pagkalat ng virus.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Baguio, Davao COVID hotspot; 9 pa nasa high risk first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *