Bagong oil, gas exploration hinirit

MAAARING dumanas pa ng regular na power interruption ang bansa hanggang hindi nagagawang sapat ang numinipis na oil at gas reserve at maisulong ang energy independence sa mga susunod na taon.

The post Bagong oil, gas exploration hinirit appeared first on Abante News Online.

bagong oil gas exploration hinirit - Bagong oil, gas exploration hinirit
exploration gas oil - Bagong oil, gas exploration hinirit

MAAARING dumanas pa ng regular na power interruption ang bansa hanggang hindi nagagawang sapat ang numinipis na oil at gas reserve at maisulong ang energy independence sa mga susunod na taon.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto, patuloy sa pagbaba ang oil at gas reserve ng Pilipinas na nagbubunsod upang umasa ang bansa sa pag-aangkat ng nasabing produkto.

Malaki rin ang epektong dulot ng importasyon sa presyo at supply ng oil at gas. Nagpahayag ng pangamba ang mga eksperto na kapag hindi nabigyang solusyon ang nasabing sitwasyon, maaari itong magdulot ng bagong bersiyon ng ‘dark age’ kung saan mararanasan ang mahahabang oras ng brownout.

Sa isang ulat kamakailan, sinabi ni GlobalData power industry analyst Harshavardhan Reddy Nagatham na ang lumolobong populasyon sa Pilipinas ay nagtutulak sa patuloy na pagtaas ng konsumo sa kuryente saban sa. Bunga nito, malubhang kailangan ngayon ng Pilipinas na palawakin ang kapasidad nito pagdating sa enerhiya.

Nagiging hadlang din sa mga inisyatibo ng bansa para sa oil at gas exploration ang pana­namlay ng mga investor dahil sa mga hindi pa nalulutas na isyu sa pagitan ng Commission on Audit (CoA) at ng Department of Energy (DoE). Napag-alaman na bagama’t maraming­ mamumuhunan ang nagpahayag ng interes na pumasok sa oil at gas exploration sa Pilipinas ay hindi ito makausad dahil sa nabanggit na mga usapin.

Batay sa ulat ng First Solutions Macro Research ng Fitch Group, inihayag ng DoE na umaabot na sa 48% ang antas ng oil importation ng Pilipinas at inaasahan pa itong tataas sa mga susunod na taon dahil sa pagtaas ng demand at pagbaba ng produksyon ng oil at gas.

The post Bagong oil, gas exploration hinirit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *