Bagong mga programa ilalatag sa Taguig

SIGURADONG patu­ngo na ng landslide victory ang mga Caye­tano sa lungsod ng Taguig, ito ay matapos maglabas ng pani­bagong survey ang Pulse Asia kung saan malaki ang lamang na boto nina Lino, Lani, at Alan Peter kontra sa mga kalabang kandidato.

The post Bagong mga programa ilalatag sa Taguig appeared first on Abante News Online.

bagong mga programa ilalatag sa taguig - Bagong mga programa ilalatag sa Taguig
taguig - Bagong mga programa ilalatag sa Taguig

SIGURADONG patu­ngo na ng landslide victory ang mga Caye­tano sa lungsod ng Taguig, ito ay matapos maglabas ng pani­bagong survey ang Pulse Asia kung saan malaki ang lamang na boto nina Lino, Lani, at Alan Peter kontra sa mga kalabang kandidato.

Ayon sa survey ng Pulse Asia na inilabas ilang araw bago ang halalan, 64 percent ng mga Taguigeño ang nais na maluklok si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa 1st District ng Taguig-Pateros, habang 36 percent si Allan Cerafica.

Sa 2nd District, ang nakaupong mayor ng Taguig City na si Lani Cayetano ay nanguna sa kanyang 76 percent kontra sa kalabang si dating konsehal Che Che Gonzales, 21 percent.

Samantala, si ex-Taguig Congressman Lino Cayetano naman ay napakalayo rin ang lamang kay Taguig-Pateros 1st District Congressman Arnel Cera­fica, para sa karera ng pagka-mayor ng Taguig.

Sa isang statement, malaki ang pasasa­lamat ng mga Caye­tano sa patuloy na pagtitiwala ng mga tao sa Taguig at Pateros sa kanilang public service sa lungsod.

“We are beyond words,” wika pa nila.

Dagdag pa ng mga Cayetano na sa bagong resulta ng survey ay lalo silang inspirado na magbigay at mag-isip pa ng mga bagong programa sa ikauunlad ng mga taga-Taguig at ng buong siyudad.

The post Bagong mga programa ilalatag sa Taguig appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *