Bagong LRT-2 station bubuksan sa 2021

Abot na sa 92.14% ang completion rate ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) East Extension Project, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

The post Bagong LRT-2 station bubuksan sa 2021 first appeared on Abante.

bagong lrt 2 station bubuksan sa 2021 - Bagong LRT-2 station bubuksan sa 2021
lrt2 - Bagong LRT-2 station bubuksan sa 2021

Abot na sa 92.14% ang completion rate ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) East Extension Project, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Dagdag ng DOTr, Setyembre 16, target nilang maging fully operational na ang dalawang bagong istasyon sa paglulunsad nito sa Abril 2021.

Ang tinutukoy ay ang Emerald station sa Marikina City, at ang Masinag station sa Masinag Junction, Antipolo City.

Layon ng East Extension Project na pagsilbihan ang dagdag na 80,000 pasahero kada araw bukod sa arawang ridership ng LRT-2 na 240,000 pasahero noong pre-pandemic.

Bukod pa dito, masosolusyunan din ng naturang proyekto ang travel time ng mga taga-Rizal para makapunta sa Maynila, na mula tatlong oras ay inaasahang maging 40 minuto na lang.

Nagsimula ang P2.27B project noong 2017 kung saan idudugtong ang dalawang bagong istasyon sa Santola, Pasig City. (Shernielyn dela Cruz)

The post Bagong LRT-2 station bubuksan sa 2021 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *