Bagong laboratory tinatayo sa Maynila hospital

Nagtatayo pa ng isang bagong COVID-19 Laboratory sa Sta. Ana Hospital ang lokal na pamahalaan ng Maynila para umabot sa libong residente ang maisailalim sa swab test.

The post Bagong laboratory tinatayo sa Maynila hospital first appeared on Abante.

bagong laboratory tinatayo sa maynila hospital - Bagong laboratory tinatayo sa Maynila hospital
Lab 1 - Bagong laboratory tinatayo sa Maynila hospital

Nagtatayo pa ng isang bagong COVID-19 Laboratory sa Sta. Ana Hospital ang lokal na pamahalaan ng Maynila para umabot sa libong residente ang maisailalim sa swab test.

Inanunsiyo ito ni Mayor Isko Moreno, matapos tanggapin, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna at Secretary to the Mayor Bernie Ang ang donasyon na dalawang machine.

Pinasalamatan ni Moreno ang Ayala Foundation at grupo ng kompanya nito na sagutin ang halaga ng pitinatayong laboratory na nasa P7.8 milyon.

Ipinaliwanag ni Moreno na mahal ang magpatayo ng laboratoryo dahil bukod sa mga kakailanganin na kagamitan maging ang ventilation ay dapat i-regulate para matiyak na mapoprotektahan ang mga frontliner. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Bagong laboratory tinatayo sa Maynila hospital first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *