Bagong internal cleansing program inilunsad ng PNP

MAS tututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang ‘restorative approach’ sa kanilang hanay dahil sa sunod-sunod na insidente na kinasasangkutan ng mga tiwali at pasaway na pulis.

The post Bagong internal cleansing program inilunsad ng PNP appeared first on Abante News Online.

bagong internal cleansing program inilunsad ng pnp - Bagong internal cleansing program inilunsad ng PNP
albayalde 2 - Bagong internal cleansing program inilunsad ng PNP

MAS tututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang ‘restorative approach’ sa kanilang hanay dahil sa sunod-sunod na insidente na kinasasangkutan ng mga tiwali at pasaway na pulis.

Kahapon nang umaga ay inilunsad ng PNP Directorate for Operation ang bagong ‘internal cleansing program’ sa Camp Crame na naglalayong pataasin ang moral, spiritual development at pagbubuklod ng pamilya ng mga nasuspinde at naparusahang mga pulis.

Kabilang din dito ang mga nag-viral sa social media dahil sa pagsusugal, pag-i­nom sa pampublikong lugar at nasangkot sa pa­ngongotong.

Sa ilalim nito, hahatiin sa mga squad group ang mga pulis na binubuo ng 6 hanggang 8 miyembro.

Iginaya ang model na ito sa mga grou­ping na ginagawa sa mga simbahan para mas ma­ging personal at intimate ang proseso.

Unang isasailalim sa programa ang mga pulis sa National Capital Region (NCR) at matapos nito ay inaasahang susunod naman ang mga pulis sa ibang rehiyon.

Base sa record ng PNP mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 20, 2019, umaabot sa 2,400 na mga pulis na nasampahan ng iba’t ibang kasong administratibo ang na-dismiss, 481 ang na-demote ng ranggo, 4,161 ang nasuspinde, 191 ang na-forfeit ang suweldo, 619 ang na-reprimand at 41 ang inilagay sa restrictive custody.

May 422 pulis din ang nasibak sa serbis­yo dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade. (Edwin Balasa)

The post Bagong internal cleansing program inilunsad ng PNP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *