Bagong COVID-19 nakapasok sa Vietnam

Umabot na sa Vietnam ang bagong Covid-19 strain na sinasabing mas malubha at mas nakakahawang uri ng virus na nagmula sa United Kingdom.
The post Bagong COVID-19 nakapasok sa Vietnam first appeared on Abante.


Umabot na sa Vietnam ang bagong Covid-19 strain na sinasabing mas malubha at mas nakakahawang uri ng virus na nagmula sa United Kingdom.
Kinumpirma ito ng health ministry ng nasabing bansa kanina.
Isang 44-anyos na babae na bumalik sa Vietnam galing Britain ang unang nagpositibo sa kasong ito.
Ayon sa ministry, Diyembre 24 nang malamang nagpositibo ang babae.
“Researchers ran gene-sequencing on the patient’s sample and found the strain is a variant known as “VOC 202012/01,” anila sa isang pahayag.
Ayon sa mga eksperto, 40-70% mas mabilis makahawa ang strain na ito kumpara sa nauna uri ng virus.
Kamakailan lamang nang magsimulang magpatupad ng travel ban ang iba’t ibang bansa kaugnay sa pag-iwas nila sa banta ng bagong variant ng Covid-19. (Vienne Angeles)
The post Bagong COVID-19 nakapasok sa Vietnam first appeared on Abante.