Bagong ₱20 coin ilalabas ng BSP ngayong Disyembre

MAARING maihabol ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paglulunsad ng baryang P20 sa Dis­yembre, sabi ni Bangko Sentral governor Benjamin Diokno.

bagong e282b120 coin ilalabas ng bsp ngayong disyembre - Bagong ₱20 coin ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
ABANTE ₱20 - Bagong ₱20 coin ilalabas ng BSP ngayong Disyembre

MAARING maihabol ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paglulunsad ng baryang P20 sa Dis­yembre, sabi ni Bangko Sentral governor Benjamin Diokno.

Magandang itaon sa Disyembre ang paglunsad para pang-Aguinaldo sa mga bata sa Pasko, sabi ni Diokno na napagmasdan na ang mga prototype ng P20 barya.

Nitong Hulyo lang sinabi ng BSP na pinag-aaralan na nito ang posibilidad ng paglalabas ng baryang P20 at inirekomenda na ng University of the Philippines na palitan na ng barya ang papel na P20 dahil malimit itong gamitin ng mga tao. Mas makatitipid ang BSP sa paggawa ng pera kung magiging barya na ang P20 dahil mas matagal itong magagamit kaysa sa papel.

Nu’ng 2018, nasa 1.24 milyong piraso ng P20 na papel ang nasa bansa na nagkakahala­gang P23.8 bilyon.

Ngayong taon, nasa P10.5 bilyon ang budget ng BSP para sa pagbili ng perang papel mula sa ibang mints/manufacturers sa mundo na pandagdag pa sa ginagawa nitong perang papel.

Ang budget naman ng BSP para pambili ng mga New Generation Coins na limang piso at P10 nga­yong taon ay nasa P3.9 bilyon, na bukod pa sa mga baryang ito mismo ang gagawa.

Kinaiinis ng marami ang New Generation Coins dahil nakakalito ito. Bukod sa halos magkasing laki lang ang bagong limang piso at ang lumang piso, pare-pareho lang ang kulay ng mga New Generation Coins.

Nakadadagdag ang pareparehong kulay sa kalituhan ng mga jeepney dri­ver at sa mga tindera dahil dati, ginto ang kulay ng limang piso at may pilak at ginto naman ang kulay ng P10. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *