Bagond mukaha ng Maynila sa unanag linggo ni Mayor ISKO

Maayos na daloy ng trapiko. Maluluwag at malilinis na kalsada. Nasaan ang mga naghahariang vendor sa Divisoria, Quiapo at Blumentritt? Nasa Maynila nga ba ako?

The post Bagond mukaha ng Maynila sa unanag linggo ni Mayor ISKO appeared first on Abante News Online.

bagond mukaha ng maynila sa unanag linggo ni mayor isko - Bagond mukaha ng Maynila sa unanag linggo ni Mayor ISKO
isko 13 - Bagond mukaha ng Maynila sa unanag linggo ni Mayor ISKO

Ni: Mia Billones

Maayos na daloy ng trapiko. Maluluwag at malilinis na kalsada. Nasaan ang mga naghahariang vendor sa Divisoria, Quiapo at Blumentritt? Nasa Maynila nga ba ako?

Agad na nag-viral sa mga social media ang mga larawang bihirang makita sa mga lansangan sa Maynila dahil sa nakitang kaayusan at kaluwagan dahil sa pagkawala ng mga vendor na tila ilang dekada diumanong naghari sa mara­ming kalsada sa lungsod.

***

Mga naging aksyon

Hulyo 1
Matapos ang kanyang State of the City Address, agad na pinakilos ni Moreno ang mga tauhan upang linisin ang mga basura sa Lawton. Umabot sa 20 truck ng basura ang nahakot sa tinawag na bagong Smokey Mountain.

Hulyo 2
Sinuyod ni Mayor Isko ang Divisoria para tiyaking walang nakabalandrang mga vendor sa kalsada. Ibinunyag din niya na may nag-alok sa kanya ng P5 milyon kapalit ng pagpayag niyang makabalik ang mga vendor sa mga kalsada ng lungsod.
Iprinisinta niya sa media ang dalawang nagpapakilalang empleyado diumano ng city hall na nangongotong sa mga vendor sa Blumentritt sa Sta. Cruz.
Gamit ang pekeng resibo, naniningil ng P35 kada vendor sina Wilma Cortez, secretary ng Bagong Maynila Develop at Jeffree Solomon, dahil umano sa utos ng kanilang organizer na si ‘Puzon’.

Hulyo 3
Pinangunahan ng alkalde kasama si Manila P/BGen. Danao ang pagwasak sa higit 70 video karera na nakumpiska sa lungsod.
Nakipagdiyalogo si Moreno sa mga vendor na naapektuhan ng clearing operation. Nangako ito na may nakahanda silang programa para sa kanilang ikabubuhay na hindi naman masisira ang Maynila.

Hulyo 4
Binisita ni Moreno ang Manila Zoo at tiniyak nitong makikipag-ugnayan sila sa Department of Environment and Natural Resources para muli itong mabuksan sa publiko.
Ibinigay din nito sa mga nakakulong na ha­yop ang mahigit 400 kilo ng botcha na nakum­piska sa Paco market.

Hulyo 5
Muling hinawakan ni Moreno ang maso para wasakin naman ang istruktura na nakahambalang sa sidewalk at nahaharangan din umano ang estatwa ni Roman Ongpin sa Binondo.

Hulyo 6
Binuo ang Manila Public Information Office complaint desk kung saan maaaring magsumbong ang mga residente.
Isang linggo pa lang ang nakalilipas pero naisakatuparan ng alkalde ang mga bagay na hindi umano nagawa ng mga nagdaang lider ng lungsod.
Nagpasalamat ito sa mga suportang tinatanggap nila kasabay ng pangakong hindi siya mananawa sa pagpapatupad ng mga pagbabago.
Para sa video ng report kaugnay sa mga unang linggo ni Moreno bilang alkalde, pumunta sa website ng Abante at mga social media account nito.

The post Bagond mukaha ng Maynila sa unanag linggo ni Mayor ISKO appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *