Bagahe na may ‘bomba’ iniwan sa gitna ng kalsada

NABALOT ng tensyon ang ilang residente at moto­ristang dumadaan sa lugar matapos iniwan sa gitna ng kalsada ang isang bagahe na pinaghinalaang bomba ang laman sa Gen Trias City, Cavite.

The post Bagahe na may ‘bomba’ iniwan sa gitna ng kalsada appeared first on Abante News Online.

bagahe na may bomba iniwan sa gitna ng kalsada - Bagahe na may ‘bomba’ iniwan sa gitna ng kalsada
Abante Kalsada - Bagahe na may ‘bomba’ iniwan sa gitna ng kalsada

NABALOT ng tensyon ang ilang residente at moto­ristang dumadaan sa lugar matapos iniwan sa gitna ng kalsada ang isang bagahe na pinaghinalaang bomba ang laman sa Gen Trias City, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Armine Matro ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:20 nang hatinggabi nang nagdulot ng trapik at tensiyon sa ilang residente sa Bacao Road, Purok III, Brgy. Bacao I, Gen Trias City, Cavite dahil sa isang iniwang bagahe sa gitna ng kalsada at may nakasulat pa na “bomba ito”.

Si Brgy. Secretary Edward Sario ng Bacao I ang siyang nag-report sa pulisya kung saan nagresponde ang mga elemento ng Special Wea­pons and Tactics (SWAT) sa pamumuno ni S/Insp Hilario Lacaste Jr. kung saan pinasabog ang nasabing bagahe subalit nagnegatibo ito at mga damit lamang ang mga laman.

Posibleng sinadya umanong iligay ang nasabing bagahe sa lugar upang panakot sa mga residente at mga dumaraang motorista.

Rerebyuhin din ang CCTV sa lugar upang malaman kung sino ang nag-iwan sa nasabing bagahe sa lugar. (Gene Adsuara)

The post Bagahe na may ‘bomba’ iniwan sa gitna ng kalsada appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *