Bacolod libre sakay sa mga frontliner

Nag-hire ang Bacolod City government ng 42 public utility jeepney para sa libreng sakay ng mga essential worker.

The post Bacolod libre sakay sa mga frontliner first appeared on Abante.

bacolod libre sakay sa mga frontliner - Bacolod libre sakay sa mga frontliner
abante libre sakay - Bacolod libre sakay sa mga frontliner

Nag-hire ang Bacolod City government ng 42 public utility jeepney para sa libreng sakay ng mga essential worker.

Suspendido ang lahat ng uri ng transportasyon sa Bacolod mula Sept. 8 hanggang Sept. 30 matapos ilagay ang lungsod sa modified enhanced community quarantine (MECQ) upang mapababa ang bilang ng local case ng coronavirus disease.

Ayon kay Councilor Dindo Ramos, chairman ng City Council Committee on Transportation and Traffic Management, nagtakda ng ruta at schedule para sa mga kinuhang jeepney mula 4:30 ng madaling-araw hanggang 10:30 ng gabi, na nagsimula na noong Lunes.

Hindi lang ito magbibigay ng libreng sakay sa mga frontliner kundi oportunidad sa mga driver na kumita ng P300 kada biyahe o kabuuang P3,000 sa sampung trip nila kada araw.

Magsisimula ang ‘Libreng Sakay’ program sa mga Barangay Granada, Estefania, Bata, Handumanan, Mansilingan, Banago at Sum-ag at central drop-off area ang Bacolod City Public Plaza.

Bukod sa mga frontliner, maaari rin sa “Libreng Sakay” ang mga residenteng mamamalengke o bibili ng mga pangangailangan basta magpakita ng quarantine pass. (PNA)

The post Bacolod libre sakay sa mga frontliner first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *