Baby pilandok ng ‘Pinas nahuli cam

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakunan sa camera ang aktwal na pagsilang ng chevrotain o pilandok na nagmula sa Pilipinas.

The post Baby pilandok ng ‘Pinas nahuli cam first appeared on Abante.

baby pilandok ng pinas nahuli cam - Baby pilandok ng ‘Pinas nahuli cam
abante mouse deer - Baby pilandok ng ‘Pinas nahuli cam

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakunan sa camera ang aktwal na pagsilang ng chevrotain o pilandok na nagmula sa Pilipinas.

Sa isang zoo sa Wroclaw, Poland sinilang noong Nobyembr 10 ang malilit na uri ng mouse deer, na kasing laki lang umano ng kahon ng posporo at may timbang na 100 gramo. Katangian ng mga pilandok ang maliiit na pangangatawan, mahabang binti, at mala-dagang ulo nito.

Mahalaga umano ang naging pagsilang ng pilandok sa nasabing zoo dahil mayroon lamang isang dosena na uri nito sa mga zoo sa Europe at iisa lang ang lalaki.

Nahaharap na sa banta ng pagkaubos ang mga pilandok dahil sa paghuli sa mga ito at pagkawala ng kanilang natural na tahanan, kaya naman umaasa ang mga tagapangalaga ng zoo na sa nasabing pagsilang ng pilandok ay mapapadami pa ang kanilang uri.

The post Baby pilandok ng ‘Pinas nahuli cam first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *