Baby muntik ma-lechon

DAHIL sa iyak ng isang sanggol, nai­ligtas ito sa nasusunog na bahay sa Barangay Accao, Bauang, La Union noong Biyernes nang gabi.

The post Baby muntik ma-lechon appeared first on Abante News Online.

baby muntik ma lechon - Baby muntik ma-lechon
fire 1 - Baby muntik ma-lechon

DAHIL sa iyak ng isang sanggol, nai­ligtas ito sa nasusunog na bahay sa Barangay Accao, Bauang, La Union noong Biyernes nang gabi.

Ayon sa Bauang Fire Station (BFS), nangyari ang sunog dakong alas-8:05 nang gabi sa bahay ni Anastacia Huganan, 71, ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng BFS, bago pa lumaki ang apoy ay narinig ang malakas na iyak ng isang sanggol na galing sa nasusunog na kuwarto na sa una ay hindi gaanong pinansin ang usok.

Ngunit laking gulat ng mga kaanak ng sanggol nang makita nila na malaki na ang apoy at dito, dali-dali nilang inilabas ang bata.

Tumagal ang sunog mahigit na dalawang oras na tumupok sa bahay ni Huganan at naabo lahat ng ari-arian nito na umaabot ang halaga sa P2 milyon.

Nasa maayos na ang kalagayan ng bata. Wala ding iniulat na nasaktan o namatay sa nasabing sunog. (Allan Bergonia)

The post Baby muntik ma-lechon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *