Baby evacuee sa Cotabato tigok sa LBM

NASAWI ang anim na buwang gulang na sanggol na kabilang sa mga eva­cuee dahil sa sunod-sunod na pag­lindol sa Cotabato nang makaranas ng dehydration dulot ng loose bowel movement (LBM).

baby evacuee sa cotabato tigok sa lbm - Baby evacuee sa Cotabato tigok sa LBM
baby 3 - Baby evacuee sa Cotabato tigok sa LBM

NASAWI ang anim na buwang gulang na sanggol na kabilang sa mga eva­cuee dahil sa sunod-sunod na pag­lindol sa Cotabato nang makaranas ng dehydration dulot ng loose bowel movement (LBM).

Nakatira ang sanggol sa Sitio Lubi, Barangay New Bulatukan, Makilala, North Cotabato.

Sinabi ni Makilala Municipal Health Officer Dr. Georgina Sorilla na dumanas ng LBM ang sanggol at nagkaroon ng rashes nang masuri noong Linggo.

Nabigyan ng gamot ang sanggol pero noong Martes ay isinugod sa pagamutan makaraang lumala ang kondisyon ngunit nasawi.

Pinayuhan ni Sorilla ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa mga command post upang agad na ma­bigyan ng lunas kung may karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *