Baboy pwede mahawa ng coronavirus – research

Unti-unti nang nababalatan kung ano ang buong kakayahan ng SARS-CoV-2 o ang novel coronavirus.

The post Baboy pwede mahawa ng coronavirus – research first appeared on Abante.

baboy pwede mahawa ng coronavirus research - Baboy pwede mahawa ng coronavirus – research
Baboy 1 - Baboy pwede mahawa ng coronavirus – research

Unti-unti nang nababalatan kung ano ang buong kakayahan ng SARS-CoV-2 o ang novel coronavirus.

Base sa pag-aaral ng Canada kasama ang mga researcher mula USA, nakita na dumadapo din ang virus sa mga tissue ng baboy, kung saan tumatagal ito sa naturang hayop ng halos dalawang linggo.

“This study provides evidence that live Sars-CoV-2 virus can persist in swine for at least 13 days,” ayon sa anilang research na pinaskil sa bioRxiv.org. Pinag-aralan ng Canada, kasama ang Iowa State University ang naturang posibilidad matapos na makita na 80% ang pagkakaktulad ng receptor protein ng tao at mga baboy.

Pumili ang mga researcher ng 16 na malulusog na American Yorkshire crossbred pig kung saan binigyan nila ang mga ito ng isang milyong virus particle, at dito nakita na may kakayahan ang coronavirus na makadapo sa receptor protein ng mga baboy.

Ilan sa mga sintomas na nakita sa mga baboy ay ang pagluha, sipon, pati na rin ang mild depression at pag-ubo. Ngunit nang i-test ang mga ito gamit ang swab at blood sample ay nagnegatibo naman ang mga ito sa virus.

Kaagad ding kinatay ang mga baboy at walang nakita na pinsala dulot ng impeksyon ng SAR-CoV-2. (RP)

The post Baboy pwede mahawa ng coronavirus – research first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *