Babangon tayo – Sotto

Hangad ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na makabangon muli ang mga Pilipino mula sa COVID-19 pandemya at mga bagyong humagupit sa bansa ngayong taon.

The post Babangon tayo – Sotto first appeared on Abante.

babangon tayo sotto - Babangon tayo – Sotto
tito - Babangon tayo – Sotto

Hangad ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na makabangon muli ang mga Pilipino mula sa COVID-19 pandemya at mga bagyong humagupit sa bansa ngayong taon.

“Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat ng Pilipino. Nasaan mang parte ng mundo kayo naroroon ngayon, kasama ninyo ang inyong Senado sa pagsulong sa bagong pag-asa sa gitna ng kinakaharap nating pandemya,” sabi ni Sotto sa kanyang Christmass message video na pinost ng Senado.

“Ang inyong Senado ay tuluy-tuloy na nagpupursigi upang agarang makapagpasa ng batas na tutugon sa pangangailangan ng bansa sa gitna ng pandemya,” aniya pa.

Binida ni Sotto ang mga naipasang batas ng Senado na layong tugunan ang mga problemang dulot ng pandemya, kabilang ang emergency power para kay Pangulong Rodrigo Duterte, Bayanihan 1 at 2, hazard pay para sa mga COVID-19 frontliner, at moratorium sa pagbabayad ng utang, bills at renta.

“Maraming salamat sa aking mga kasamahan sa Senado at sa mga empleyado para sa kanilang dedikasyon para magawa ang lahat ng ito sa kalagitnaan ng banta ng COVID-19,” sabi pa ni Sotto.

“Dasal ko, at ng aking pamilya, ang pagbangon muli ng bawat pamilyang Pilipino,” aniya pa. (SDC)

The post Babangon tayo – Sotto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *