Babaeng negosyante kinotongan ng rebelde

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking nagpakila­lang miyembro ng New People’s Army matapos nitong kotongan ang isang babaeng negosyante sa Cabuyao City, Laguna.

babaeng negosyante kinotongan ng rebelde - Babaeng negosyante kinotongan ng rebelde
arrest 6 - Babaeng negosyante kinotongan ng rebelde

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking nagpakila­lang miyembro ng New People’s Army matapos nitong kotongan ang isang babaeng negosyante sa Cabuyao City, Laguna.

Ayon sa Police Regional Office (PRO) 4A, naaresto noong Biyernes nang umaga ang suspek na si Sonny Luma sa entrapment operation sa Barangay Marinig.

Hindi na ito nakapalag nang arestuhin ng sanib-puwersang mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A, PIB Laguna, Regional Mobile Force Battalion 4A at mga ope­ratiba ng Cabuyao Police habang kinukuha ang extortion money sa isang Smart padala outlet.

Isinagawa ang ope­rasyon laban sa suspek matapos nitong takutin at hingan ng pera ang negosyanteng si Rowena Dizon, isang rice trader sa bayan ng Cabuyao.

Nagpakilala umanong miyembro ng NPA ang suspek na aniya ay kumikilos sa Calabarzon.

Sa pamamagitan ng mga text message at social media ay binabantaan umano nito ang biktima na may mangyayaring masama kung hindi ito magpapadala ng pera.

Sasampahan ang suspek ng kasong robbery extortion in relation to section 6 ng RA 10175. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *