Babae arestado sa bigong pagdukot sa paslit

abante-tonite-arrest

Naaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang isang babae sa bigong pagdukot sa apat na taong gulang na bata nitong Linggo nang gabi sa Baclaran, ng naturang lungsod.

babae arestado sa bigong pagdukot sa paslit - Babae arestado sa bigong pagdukot sa paslit
abante tonite arrest - Babae arestado sa bigong pagdukot sa paslit

Naaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang isang babae sa bigong pagdukot sa apat na taong gulang na bata nitong Linggo nang gabi sa Baclaran, ng naturang lungsod.

Kinilala ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police ang nadakip na suspek na si Marian Berdino, 45-anyos, walang trabaho at nakatira sa Pulang Bato, Masbate City, Masbate.

Matiwasay namang naibalik sa kaniyang ama ang paslit na itinago sa pangalang ‘Kitty’.

Ayon kay Hasmin Sangka, 33, vendor, ama ng paslit, at naninirahan sa No. 2094, GG Cruz St., Barangay Bacla­ran, dakong alas-9:30 nang gabi kasaluku­yang nag­lalaro sa kalsada ang kanyang anak sa tapat ng kanilang bahay nang biglang hatakin at kargahin ng suspek ang paslit na mabilis na lumayo sa kanilang lugar.

Masuwerte naman aniyang nakita ang pangyayari ng kanyang kapatid na Fatima Sangka, 26, isa ring vendor, nakatira sa Lt. Garcia St. ng nasabing lungsod.

Agad na humingi ng tulong si Fatima sa mga pulis na nasa lugar na mabilis na hinabol ang suspek hanggang sa makorner ito sa may Lt. Garcia at naaresto.

Agad na dinala sa nasabing himplan ng pulis­ya ang suspek at sa loob ng istasyon, paiba-iba ang sinasabi ni Berdino kung bakit niya tina­ngay ang bata.

Depensa ni Berdino, kaya lamang niya kinarga ang bata ay upang yayain itong maglaro.

Napag-alaman pa na hindi ito ang unang pagkakataon na may nahu­ling mandurukot ng bata sa Baclaran.

Nitong Marso ng kasalukuyang taon, isang 19-anyos na babae rin ang nadakip nang dukutin ang isang limang taong gulang na batang lalaki. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *