Ayusan ng food sa pulis ok — Duterte

HINDI magdadalawang-isip ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tuligsain, imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso ang mga pulis na mapapatunayang guilty sa pagtanggap ng regalo bilang bahagi ng korupsyon.

ayusan ng food sa pulis ok duterte - Ayusan ng food sa pulis ok — Duterte
duterte headline - Ayusan ng food sa pulis ok — Duterte

HINDI magdadalawang-isip ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tuligsain, imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso ang mga pulis na mapapatunayang guilty sa pagtanggap ng regalo bilang bahagi ng korupsyon.

Ginawa ng PNP ang pahayag bunsod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi bawal ang pagtanggap ng regalo kung bilang pasasalamat lang ito.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ginagalang nila ang pahayag ng Pangulo tungkol sa pagreregalo sa mga pulis pero dapat ay hindi ito bilang uri ng panunuhol.

“We submit to the better wisdom of our lawyer-president that it is harmless to receive gifts so long as there is no element of corruption involved and no oppression or abuse of authority is committed.We always explain to the public that there is no need for them to give gifts as we are just doing our job and we get paid by the Filipino people through our salaries, ” diin ni Banac.

Aniya, maraming pagkakataon na pinamimigay lamang nila ang regalong pagkain upang hindi ito masira.

“But in many occasions such as birthdays, anniversaries and Christmas, we find that food items are just delivered from anonymous senders and grateful public. So instead of letting them get spoiled, we distribute them to the inmates in cells and the barangay tanods and volunteers,” ayon pa sa tagapagsalita.

Nanindigan pa itong patuloy ang kanilang isinasagawang kampanya sa internal cleansing at hindi sila mag-aatubiling mag-im­bestiga at kasuhan ang mga tiwaling kawani ng PNP na mapapatunayang gumagawa ng mga iligal na kilos.

“At any rate, the PNP remains to be bound by rules that govern our conduct under any given situation. RA 6713 strictly requires our adherence to the Code of Conduct and Ethical Standards for government officials and employees.

Our intensified campaign on internal cleansing is ongoing and we will never hesitate to investigate and charge PNP personnel found doing illegal acts,” dagdag pa ng PNP.

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes, sinabi nitong hindi masama ang nagaganap na abutan ng biyaya o regalo na tinatanggap ng mga pulis mula sa mga kanilang natulungang pamilya.

“It is not bribery because it is allowed by the law. What I mean is if there is generosity and then sabi ng anti-graft you cannot accept gifts, kalokohan ‘yan,” saad ng Chief Executive.

(Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *