Ayaw sa peke: Imee pinag-initan ang kandila

PINAG-INITAN ni Senador Imee Marcos ang mahihinang klase o pekeng kandila na nagkalat ngayon sa mga palengke at tindahan dahil sa nalalapit na paggunita ng Todos Los Santos o Undas.

ayaw sa peke imee pinag initan ang kandila - Ayaw sa peke: Imee pinag-initan ang kandila
imee marcus - Ayaw sa peke: Imee pinag-initan ang kandila

PINAG-INITAN ni Senador Imee Marcos ang mahihinang klase o pekeng kandila na nagkalat ngayon sa mga palengke at tindahan dahil sa nalalapit na paggunita ng Todos Los Santos o Undas.

“Pati ba naman kandila pinipeke na rin. Walang patawad! Kahit sa paggunita ng Undas pumapasok na rin ang mga sindikato para mameke ng kandila?” saad ni Marcos sa isang statement.

Ayon kay Marcos, sa halip na purong paraffin wax ang gamitin sa paggawa ng kandila, pawang gamit o mga natunaw na mga kandila na kinokolekta sa mga pinagtirikan sa puntod sa loob ng sementeryo ang ginamit rito.

Bukod sa mga kinokolektang natunaw na mga kandila, meron din namang mga namimiling negosyante sa loob ng sementeryo at pinapakyaw ang mga naipon at nakukuhang tunaw na kandila, at saka ibebenta nang mas mahal.

Sabi pa ng senadora, halos tumaas na rin ng P5 ang presyo ng isang esperma na kandila sa mga tindahan at palengke, at malamang na tumaas pa ang halaga nito habang papalapit ang paggunita ng Undas.

Noong nakaraang kampanya, kinuyog ng mga netizen si Marcos dahil sa pagbibida nito sa official Facebook account na may diploma siya Princeton University sa Amerika at sa UP College of Law.

Nilinaw ng Princeton na nag-aral talaga si Imee doon pero hindi naka-graduate. Itinanggi din ng UP na nagtapos doon ang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *