Ayala Corp. kasado sa lockdown extension

Sinuportahan ng Ayala Corporation ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin sa Abril 30 ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

ayala corp kasado sa lockdown extension - Ayala Corp. kasado sa lockdown extension
abante jaza - Ayala Corp. kasado sa lockdown extension

Sinuportahan ng Ayala Corporation ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin sa Abril 30 ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“We are fully supportive of the latest pronouncement by President Duterte on extending the enhanced community quarantine to April 30.” ayon kay Ayala chairman at CEO Jaime Augusto Zobel de Ayala.

“This is consistent with the research data on past pandemics, evaluation of initiatives in other countries and various statistical analyses that we have been studying to help break the COVID-19 pandemic.” dagdag pa niya.

Tiniyak din ng kompanya na patuloy nilang tutulungan ang mga empleyadong tumigil sa pagtatrabaho dahil sa pinatupad na lockdown.

Matatandaang sa simula ng ECQ noong Marso 17 ay inihayag ng Ayala Corp. na patuloy nilang susuwelduhan ang kanilang empleyado at hindi muna sisingilin ang mga tenant ng shopping mall.

Tiniyak din ng kompanya na patuloy nilang susuportahan ang mga proyekto para mapakain ang 1.5 milyong maralitang pamilya na labis na apektado ng lockdown sa Metro Manila.

“We are also completing the conversion of some 8,000 sqm of the World Trade Center in Pasay into a 500-bed quarantine facility for COVID positive patients with the ICCP group. This will be turned over to the AFP, as the medical operator next week, “ ayon pa sa Ayala chairman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *