AWOL na pulis-Pasig timbog sa ‘di isinauling service firearm

arrested-man-in-jail

DINAKIP ng pulis-Pasig ang kanilang kabaro na nag-AWOL (absence without official leave) matapos na hindi isauli ang kanyang service firearm, kamaka­lawa nang hapon sa kanyang bahay sa Baras, Rizal.

The post AWOL na pulis-Pasig timbog sa ‘di isinauling service firearm appeared first on Abante News Online.

awol na pulis pasig timbog sa di isinauling service firearm - AWOL na pulis-Pasig timbog sa ‘di isinauling service firearm
arrested man in jail - AWOL na pulis-Pasig timbog sa ‘di isinauling service firearm

DINAKIP ng pulis-Pasig ang kanilang kabaro na nag-AWOL (absence without official leave) matapos na hindi isauli ang kanyang service firearm, kamaka­lawa nang hapon sa kanyang bahay sa Baras, Rizal.

Sa ilalim ng internal cleansing na ipinatutupad ni Eastern Police District PCSupt. Christopher Tambungan, district director, inaresto ng mga tauhan ng District Intelligence Unit ang nag-AWOL na pulis na si PO3 Fernando B. Usita, residente ng Barangay Pinugay, Baras, Rizal Province.

Hindi umano isinurender ni Usita ang service firearm nito na Glock 19 9mm cal. pistol na may isang magazine with ammo.

Pinangunahan ni PSupt. Hendrix Mangaldan, hepe ng District Intelligence Unit ang paghuli kay Usita bandang alas-12:45 nang tanghali noong Lunes sa kanyang bahay sa Rizal dala ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Rolando De Guzman ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 72, Pasig City sa kasong malversation of government property dahil sa hindi pag-surrender ng kanyang service firearm.

The post AWOL na pulis-Pasig timbog sa ‘di isinauling service firearm appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *