Atong Ang sa mga Barretto: manahimik na kayo!

SINABIHAN ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang ang mga nag-aaway na magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto, pati na ang pamangkin nilang si Nicole sa tumigil na sa mga maaanghang na paratang sa isa’t isa.

atong ang sa mga barretto manahimik na kayo - Atong Ang sa mga Barretto: manahimik na kayo!
atong ang - Atong Ang sa mga Barretto: manahimik na kayo!

SINABIHAN ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang ang mga nag-aaway na magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto, pati na ang pamangkin nilang si Nicole sa tumigil na sa mga maaanghang na paratang sa isa’t isa.

Binanggit ito ni Ang dahil pati na ang mga inosenteng taong katulad niya ay nadadamay sa away ng mga Barretto.

“Kung ako sa kanila manahimik na lang sila!” giit ng negosyante sa isang interview ng himpilang DZBB nitong Lunes.

“Lahat tayo walang taong malinis, wala ta­yong ano. May mga nakatago tayong lahat, huwag n’yo nang i-media. Ang importante huwag n’yo nang guluhin pamil­ya n’yo,” diin pa nito.

“Kung ano ‘yung nakatago ng pamilya n’yo, itago n’yo na lang. Kung may maganda, mag-enjoy kayo. Kung may magulo, adjust kayo para hindi magulo,” litanya pa ni Ang.

Nagsimula ang gulo ng mga Barreto nang mag-away ang magkapatid sa lamay ng kanilang ama noong nakaraang linggo kung saan dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga sumunod na araw, inakusahan si Gretchen na inagaw umano niya si Ang sa pamangkin na si Nicole.

Buwelta naman ni Gretchen, si Nicole ang umagaw kay Ang mula kay Claudine.

Sa naturang interview, pinabulaanan ni Ang na nagkaroon siya ng relasyon kina Gretche­n, Claudine at Nicole.

Binanggit nito na kasosyo niya sa negosyo sa casino at sabong ang mag-partner na sina Gretchen at si Tony Boy Cojuangco.

Si Claudine naman ay tinulungan umano niya sa naging away kay Martin Castro, anim na taon na ang nakaraan, habang si Nicole ay pinag-aral niya noong mga panahong nagtatrabaho ito sa kanya.

“Matagal na ka­ming hindi nagkikita ni Nicole, four years na,” wika ni Ang na nagsabi pang natapos ang pagtatrabaho sa kanya ni Nicole dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Nagtataka din si Ang kung bakit nagpo-post pa sa social media si Nicole gayung may asawa’t mga anak na ito.

Sinabi ni Ang na kaya siya natsismis sa tatlo ay dahil sa malilikot na isip ng mga tao kapag nakita silang magkasama sa mga pampublikong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *