Ateneo valedictorian nag-sorry sa panlalait

HUMINGI ng tawad si Ateneo de Manila (ADMU) class of 2019 valedictorian Reycel Hyacent Bendaña kaugnay sa naging pahayag nito sa sistema ng edukasyon sa Polangui, Albay.

The post Ateneo valedictorian nag-sorry sa panlalait appeared first on Abante News Online.

ateneo valedictorian nag sorry sa panlalait - Ateneo valedictorian nag-sorry sa panlalait
reycel - Ateneo valedictorian nag-sorry sa panlalait

HUMINGI ng tawad si Ateneo de Manila (ADMU) class of 2019 valedictorian Reycel Hyacent Bendaña kaugnay sa naging pahayag nito sa sistema ng edukasyon sa Polangui, Albay.

Sa isang Facebook post sinabi ni Bendaña na ang mga nasabi niya ay bahagi lamang ng kanyang natatandaan noong 12-anyos pa lang ito at nagpadalos-dalos din sa paglalahad ng mga pangyayari na nakabatay lamang sa mga alaala nito, walong taon na ang nakaraan.

“I have had conversations with many people from Polangui over the past few days. I affirm that Polangui’s leading public schools are also among the leading public schools in the region,” sabi pa ni Bendaña.

Gayunman, sinabi pa ni Bendaña na marami pa ang maaaring magawa hindi lamang sa Polangui ngunit sa buong sistema ng edukasyon sa bansa.

Aniya, “Access to quality education is not only the problem; schools too have limited access to the resources they need to excel. Work too needs to be done to reward fairly the hard work of our teachers.”

Bago ito, lumabas sa isang pahayagan ang artikulo na sinulat ni Bendaña at binanggit niya rito ang kalagayan ng Polangui, partikular ang tila pagmamaliit sa mga high school student sa lugar na hindi aniya marunong magbasa at sumulat nang maayos.

Pinuna ito ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda at sinabing malayo ang mga sinabi ni Bendaña sa kasalukuyang kalagayan ng Polangui.

The post Ateneo valedictorian nag-sorry sa panlalait appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *