Asylum ng ex-Iranian beauty queen dedesisyunan na

Asylum ng ex-Iranian beauty queen dedesisyunan na

MALAPIT nang matapos ng Department of Justice (DOJ) ang pagproseso sa aplikasyon para sa asylum ng dating Iranian ­beauty queen na ilang araw nang stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

asylum ng ex iranian beauty queen dedesisyunan na - Asylum ng ex-Iranian beauty queen dedesisyunan na
queen - Asylum ng ex-Iranian beauty queen dedesisyunan na

MALAPIT nang matapos ng Department of Justice (DOJ) ang pagproseso sa aplikasyon para sa asylum ng dating Iranian ­beauty queen na ilang araw nang stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay DOJ Usec Markk Perete, ­tinatapos na ng Refugees and Stateless ­Persons Protection Unit (RSPPU) ang ­pagproseso sa aplikasyon ni Bahareh Zare Bahari.

Si Bahari ay dumating sa bansa noong Oktubre 16 at pinigil dahil sa red ­notice mula sa International Criminal Police ­Organization (Interpol) dahil sa ginawang pananakit umano sa kapwa Iranian.

Ngunit ayon kay Bahari, dating kandidata ng Iran sa Miss Intercontinental 2018 na ginanap sa Pilipinas, gawa-gawa lamang ang kaso niya upang maideport siya ­pabalik ng kanyang bansa.

Ayon kay Perete, humihingi ng ­asylum si Bahari dahil ‘politically persecuted’ ­umano siya bunga ng mga pagbatikos niya sa ­Iranian government, paggamit niya ng lumang bandila ng kanilang bansa at sa ­hindi pagsusuot ng veil.

“Hopefully by next week matapos ng RSPPU,” ani ni Perete na nagsabi pang bineberipika din nila sa United Nations (UN) kung may katotohanan ang alegasyon ni Bahari.

Nilinaw din ng opisyal na hindi naka-detain si Bahari dahil sa pagala-gala lamang ito sa NAIA.

“She can go around the airport but she cannot get out of the airport because in so far as the BI (Bureau of ­Immigration) is concerned she is still an ­excluded ­individual until after magka decision dun sa kanyang asylum petition.” paliwanag ng opisyal.

Bihirang humingi ng asylum ang mga dayuhan sa Pilipinas kung saan sa taong 2019 ay tatlo lamang ang prinoseso at ­ika-apat si Bahari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *