‘Asin tax’ tutunawin sa Senado

‘Asin tax’ tutunawin sa Senado

MALABO umanong maaprubahan sa Senado ang panukalang buwisan ang mga produktong may asin kasama na ang mga daing, tuyo at noodles dahil ang mga mahihirap ang direktang matatamaan nito, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

asin tax tutunawin sa senado - ‘Asin tax’ tutunawin sa Senado
miguel zubiri - ‘Asin tax’ tutunawin sa Senado

MALABO umanong maaprubahan sa Senado ang panukalang buwisan ang mga produktong may asin kasama na ang mga daing, tuyo at noodles dahil ang mga mahihirap ang direktang matatamaan nito, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“Hindi talaga lulusot yan. Inflationary po yan, ibig pong sabihin ng inflationary, ang tatamaan diyan ay ang mahihirap,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa DZBB kahapon.

“Tataas po ang simpleng produkto na binibili ng ating mga kababayan na mahihirap at para mabuhay at makakain araw-araw katulad ng tuyo. Napaka-basic yan sa probinsya at di po kami papayag sa Senado,” pagtitiyak pa nito.

Nauna nang inihayag ni Department of Health (DOH) Spokesperson at Undersecretary Eric Domingo na pinag-aaralan na nila na patawan ng buwis ang mga pagkaing maaalat na nakakasira sa kalusugan.

Para naman kay Senador Win Gatchalian, mas mainam na buwisian ang ‘junk food’ dahil wala naman umano itong ‘nutritional value’.

“Garbage in, garbage out. If we feed our children junk food, expect their junk-like health condition. Junk food has zero nutritional value. Taxing junk food will discourage our children, and adults alike, from consuming food that will impair their health,” sabi ni Gatchalian.

Kailangan umanong pag-aralang mabuti ang pagbubuwis sa daing dahil maaapektuhan ang kabuhayan ng mga taong gumagawa nito partikular sa Cebu at Zamboanga del Sur.

“As to other salty foods such daing and instant noodles, that should be studied very carefully. Daing is the main livelihood product of many of our provinces such as Cebu and Zamboanga del Sur,” ani Gatchalian.

“Instant noodles is the typical go-to meal of many of our blue collar constituents,” dagdag pa nito. (Dindo ­Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *