Asawa ng Pinay sa US mahaharap sa death penalty

death-penalty

NAIYAK na lang ang isang Pilipina matapos ibaba ang hatol na guilty sa kanyang asawa sa kasong first-degree murder kaugnay sa pagpatay sa isang propesor noong 2014.

asawa ng pinay sa us mahaharap sa death penalty - Asawa ng Pinay sa US mahaharap sa death penalty
death penalty1 - Asawa ng Pinay sa US mahaharap sa death penalty

NAIYAK na lang ang isang Pilipina matapos ibaba ang hatol na guilty sa kanyang asawa sa kasong first-degree murder kaugnay sa pagpatay sa isang propesor noong 2014.

Hinatulan ng guilty si Sigfredo Garcia sa pagpatay kay Florida State University law professor Dan Markel, limang taon na ang nakakalipas.
Mahaharap si Garcia sa death penalty.

Humiling naman ng panahon sa mga judge ang Pinay na si Katherine Magbanua na akusado rin sa kaso.

Si Garcia ang ama ng dalawa niyang anak.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa kulungan si Magbanua. Hindi naman malinaw kung muling lilitisin ang kaso niya.

Ayon sa mga prosecutor, tumulong si Magbanua para sa pagpatay kay Markel.
Giit din ng prosecutor, kinuha sina Magbanua, Garcia at isa pang lalaki na si Luis Rivera para patayin si Markel.

Nakakulong na si Rivera para bunuin ang pitong taong pagkakakulong na hinatol sa kanya para sa kasong second-degree murder matapos siyang makipag-deal na maging testigo laban kina Magbanua at Garcia, na kanyang childhood friend.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *