Asawa ng Iligan City ex-mayor nawawala

HUMINGI ng tulong sa awtoridad si dating Iligan City Mayor Franklin Quijano upang maha­nap ang kanyang asawang si Salma Theresa Gerona-Quijano na nawawala noong pang Hun­yo 27 ng taong kasalukuyan.

The post Asawa ng Iligan City ex-mayor nawawala appeared first on Abante News Online.

asawa ng iligan city ex mayor nawawala - Asawa ng Iligan City ex-mayor nawawala
ABANTE iligan city - Asawa ng Iligan City ex-mayor nawawala

HUMINGI ng tulong sa awtoridad si dating Iligan City Mayor Franklin Quijano upang maha­nap ang kanyang asawang si Salma Theresa Gerona-Quijano na nawawala noong pang Hun­yo 27 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Quijano, sinubukan pa nilang itago ang pangyayari at sinikap na pamilya lang ang makaalam ng pagkakawala ng kanyang asawa subalit hindi na umano nila ito makaya kaya humingi na sila ng tulong sa pulisya nitong Hul­yo 2.

Ayon pa sa pamilya Quijano, huling nakita si Salma sa kanilang bahay sa Purok 3-A, Brgy. Hinaplanon dakong alas-10:30 nang umaga noong Hunyo 27.

Naniniwala din ang pamilya Quijano na hindi dinukot ang ginang dahil wala naman umano silang nakikitang anumang komosyon nang hu­ling nakita ito sa bahay base na rin sa ginawa nilang review sa mga CCTV footage subalit ang palaisipan sa pamilya ay kung ano ang dahilan ng pag-alis nito ng bahay.

Napag-alaman pa sa pamilya Quijano na nito lang mga nakaraang buwan ay namatay ang dating yaya ni Salma kung saan simula noon ay biglang nagbago ang ugali nito at naging tahimik at wala nang ganang kumain.

Wala naman umanong away ang mag-asa­wang Salma at Franklin, katunayan, masasabi ng sila ay sweet couple at miyembro sila ng Couples for Christ, ayon kay Robert Quijano naka­babatang kapatid ni Franklin. (Edwin Balasa)

The post Asawa ng Iligan City ex-mayor nawawala appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *