Army reservist na pumatay sa siklista 40 taon kulong

arrested-arestado-timbog-kulong

Pinatawan ng reclusion perpetua o pagkabilanggo ng hanggang 40 taon ng Manila Regional Trial Court ang isang army reservist na bumaril at nakapatay sa isang siklista dahil sa road rage noong 2016 sa Quiapo, Maynila.

army reservist na pumatay sa siklista 40 taon kulong - Army reservist na pumatay sa siklista 40 taon kulong
arrested arestado timbog kulong - Army reservist na pumatay sa siklista 40 taon kulong

Pinatawan ng reclusion perpetua o pagkabilanggo ng hanggang 40 taon ng Manila Regional Trial Court ang isang army reservist na bumaril at nakapatay sa isang siklista dahil sa road rage noong 2016 sa Quiapo, Maynila.

Base sa inilabas na desisyon ni Judge Albert Tenorio, ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 14, napatunayang nagkasala nang walang pag-aalinlangan si Vhon Martin Tanto, reservist ng Philippine Army, sa pagpatay sa biktimang si Mark Vincent Garalde.

Bukod sa hatol, inatasan din ng hukuman si Tanto na bayaran ang pamilya ni Garalde ng P1.048 milyon bilang actual damage; P100,000 bilang civil indemnity; P100,000 bilang moral damage, at panibagong P100,000 bilang exemplary damage.

“All damages awarded shall be subject to the rate of six percent per annum from finality of this decision until its full satisfaction in line…,” nakasaad pa sa desisyon.

Sa rekord ng hukuman, naganap ang insidente dakong alas-9:36 nang gabi, noong Hulyo 25, 2016 sa P. Casal Street sa Quiapo.

Nagtalo umano ang dalawa dahil sa away trapiko dahilan para apat na ulit na barilin ni Tanto si Garalde habang papaalis na sana sa lugar.

Kasamang nadamay sa pamamaril ni Tanto si Rocel Bondoc, 18, estudyante ng Unibersidad de Manila na tinamaan ng ligaw na bala.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *